Kasabay ng paggunita ng ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law, sinabi ni Vice President Leni Robredo na dapat ituloy ang paghahanap ng katotohanan at katarungan.
Sa pahayag sinabi ni Robredo na dapat ding tiyakin ng bawat isa na walang sinumang diktador ang mabibigyan ng kapangyarihan.
“Higit sa pag-alala, ang araw na ito ay isang panawagan sa ating lahat na maging kasangkapan ng katotohanan at katarungan,” ayon kay Robredo.
Sinabi ni Robredo na tungkulin ng bawat isang mamamayan na tiyaking hindi magkakaroon ng lugar sa pamahalaan ang sinumang diktador.
Ani Robredo, walang pinuno ang dapat na maging mas makapangyarihan kaysa sa sambayanan.
READ NEXT
Martial law declaration ng dating Pangulong Marcos dapat magsilbing aral ayon sa Malakanyang
MOST READ
LATEST STORIES