Martial law declaration ng dating Pangulong Marcos dapat magsilbing aral ayon sa Malakanyang

Basta’t walang pag-abuso, tama ang pagdedeklara ng Martial law upang mailigtas ang demokrasya ng bansa.

Pahayag ito ng Malakanyang kasabay ng paggunita sa ika 47 anibersaryo ng proklamasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bagaman nagkaroon ng disiplina ang mamamayan, nasawata ang communist insugency, nag-iwan naman ng hindi magandang epekto ang martial law noon.

Sinabi ni Panelo na nagkaroon kasi ng mga pag-abuso noong panahon ng matial law.

Kasabay nito, hinimok ni Panelo ang publiko na gamiting aral ang nakaraan at gawin itong gabay sa kasalukuyan.

Read more...