Sakay ng bus ang 30 Chinese na turista na umalis ng Las Vegas at patungo sana sa isang red-rock tour landscape sa southern Utah.
Malapit na sana sa parke ang bus nang mangyari ang aksidente.
Nawalan umano ng kontrol ang driver sa bus dahilan para maaksidente ito sa highway.
Maliban sa 4 na nasawi, 5 pa ang nasugatan at kritikal ang kondisyon.
Maayos naman ang kondisyon ng iba pang mga pasahero at 12 ang nananatili pa sa mga pagamutan.
Ayon kay Utah Highway Patrol Sgt. Nick Street, karamihan sa mga turista ay hindi nakasuot ng seatbelt.
READ NEXT
Mastercard credit at prepaid card ng LANDBANK hindi magagamit ng ilang oras dahil sa maintenance
MOST READ
LATEST STORIES