Kulektor ng ilegal na STL sa Lucena patay sa pananambang

Patay makaraang tambangan ang ilegal na operator ng Small Town Lottery (STL) o kung tawagin ay ‘bookies’ sa Lucena City.

Nakilala ang nasawi na si Shervin Suarez 23 anyos na binaril habang minamaneho ang kaniyang kotse ng hidni pa nakilalang mga suspek sa Barangay 1, Sabado (Sept. 21) ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Reydante Ariza, Lucena City police chief, isa sa mga suspek ay armado ng kalibre 45 na baril na bumaba sa sinasakyang motorsiklo at saka inilabas ng sasakyan si Suarez bago binaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nakuha sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumabas na ang biktima ay naharap sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling dahil sa ilegal na operayson ng STL taong 2015, 2016 at 2017.

Read more...