LOOK: SLEX nag-abiso sa publiko sa pagbabago sa kanilang hotline number

Nagpa-abiso ang Manila Toll Expressway Systems, Inc. ang operator ng South Luzon Expressway (SLEX) sa ipatutupad nilang pagbabago sa kanilang hotline number.

Ayon sa abiso, simula sa October 6, 2019 ay babaguhin na ang hotline number ng SLEX.

Ito ay bilang pagtalima sa Memorandum ng National Telecommunications Commission (NTC).

Mula October 6 ay magiging (02) 5318-8655 na ang hotline number ng SLEX.

Mananatili naman ang kanilang mga kasalukuyang tectlines na kinabibilangan ng mga sumusunod:

SMART: 09998860893
GLOBE: 09175398762
SUN: 09328546980

 

Read more...