3 miyembro ng Abu Sayyaf Group sumuko sa Basilan

AFP file photo

Sumuko sa militar sa Basilan ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) araw ng Sabado.

Ayon sa Western Mindanao Command (Wesmincom), ang mga sumuko ay sina Khadaffy Kalitut, Aliman Langkasan at Jiyad Arabin.

Ang tatlo ay kabilang sa grupo ni ASG sub-leader Nur Hassan.

Dagdag ng Wesmincom, sumuko ang mga ito sa 18th Infantry Battalion.

Isinuko rin ng mga bandido ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng M16, Garand rifle at M1 carbine.

Umaasa naman si Wesmincom chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na marami pang ASG members ang susuko sa susunod na mga araw.

 

Read more...