Niyanig ng malakas na magnitude 5.6 na lindol ang bansang Albania araw ng Sabado.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang episentro ng lindol ay malapit sa Durres, halos 40 kilometro sa kanluran ng capital na Tirana.
Sa report ng local media, may dalawang tao ang nagtamo ng slight injuries habang nag-collapse ang ilang bahay sa Helmes.
Dahil sa pagyanig ay naglabasan ang mga tao mula sa mga bahay at gusali.
Ilang ari-arian ang naiulat na nasira kabilang ang mga gumuhong gusali at natabunang mga sasakyan.
Nawalan din ng supply ng kuryente at naputol ang linya ng komunikasyon sa Tirana at sa ilan pang bayan.
MOST READ
LATEST STORIES