Pormal ng inilunsad ng Phivolcs ang Metro Davao Earthquake Model (MDEM) Atlas na tutulong sa mga engineers sa bansa para makagawa ng gusali na matibay laban sa lindol.
Ayon kay Phivolcs Officer-In-Charge Renato Solidum Jr., sa pamamagitan ng MDEM Atlas ay mababawasan ang mga gusaling nasisira kaagad at mapipigalin pa nito ang mga mamamatay dahil sa lindol.
Ang paggawa anya ng ligtas na mga gusali ay maituturing na isang paghahanda laban sa lindol.
Paliwanag ni Solidum, ang lindol ay hindi nakamamatay kundi ang mga gusali o mga bahay na gumuguho sanhi ng pagyanig.
Sinabi pa nito na ang Davao ay mayroon ding the “Big One” dahil may matatagpuan dito na mga active faults at sa pamamagitan ng MDEM Atlas ay magbibigayan ang mga residente ng mga impormasyon ukol dito.
Maaaring i-download ang MDEM Atlas sa official website PHIVOLCS na www.phivolcs.dost.gov.ph.