3 drug suspects arestado sa Caloocan

Caloocan Police photo

Timbog ang tatlong lalaking drug suspects matapos ang ginawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement ng Caloocan Police Staion bandang alas-7:00 Sabado ng gabi sa kahabaan ng Tupada Village, Barangay 8, lungsod ng Caloocan.

Target ng mga otoridad si Jeferson Ibatan Miralles, 27 anyos at residente ng nasabing lugar.

Nahuli naman ang dalawa pang lalaking nakilalang sina Rex Calderon Mallari, 33 anyos at Jordan Estrella Olivar, 36 anyos na residente rin ng nabanggit na barangay, matapos naaktuhang ng mga otoridad na bumibili ng droga kay Miralles.

Narekober mula sa mga suspek ang limang sachet na shabu, P200.00 na ginamit na buy-bust money at isa pang P200.00 hinihinalang mula sa drug money.

Sasampahan ng kaso ang mga supek sa paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...