WATCH: Jennifer Lopez inirampa ang damit na dating isinuot 20 taon na ang nakalipas

Hindi nagpakabog ang singer-actress na si Jennifer Lopez sa Versace runway show.

Sa naturang event ay inirampa ni J-Lo ang tinatawag na “reworked version” ng damit na kanyang isinuot dalawampung taon ang nakalipas.

Umikot si Lopez sa harap ng mga tao suot ang tinaguriang “The Dress.”

Taong 2000 ay gumawa ng fashion history si Lopez, na noon ay nagsisimula pa lamang ng kanyang mainstream career, nang dumalo ito sa 43 Grammy Awards suot ang isang revealing green na Versace dress.

Sa pangalawang beses na pagsusuot ni J-Lo ng damit, kita pa rin ang magandang hubog ng katawan nito at nananatiling revealing ang “The Dress” sa harapang bahagi.

Ang kontrobersyal na damit ay gawa ni Donatella Versace na inaming siya ng unang nagsuot nito bago si J-Lo.

Read more...