Robredo: Mga diktador walang lugar sa malayang bansa

File photo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga Pilipino na tiyakin na walang diktador na maluluklok sa kapangyarihan.

Pahayag ito ni Robredo kaugnay ng ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ng martial law na ginunita ng bansa Sabado, September 21.

“Isang panawagan na gampanan ang ating iisang tungkulin na siguruhing walang lugar ang kahit sinong diktador sa isang bayang malaya. Tandaan natin na walang pinuno ang mas makapangyarihan sa kaniyang sambayanang pinagsisilbihan,” pahayag ni Robredo.

Ayon sa pangalawang pangulo, hindi dapat kalimutan ang pagmamalupit at pag-abuso noong may batas militar.

Hindi naman anya limitado ang laban sa isang pamilya o pangalan lamang kundi sa lahat ng nang-aabuso at naglalagay sa mga diktador sa kapangyarihan.

 

Read more...