Ayon sa PACC, nag-iimbestiga na ang Office of the Ombudsman at Senado kaya sususpendihin na nila ang imbestigasyon sa kontrobersyal na GCTA na dahilan ng paglaya ng halos 2,000 inmates kabilang ang mga heinous crimes convicts.
Ayon sa PACC, ihihinto na rin ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang sarili nitong imbestigasyon.
Ang hakbang ay dahil nagiging duplication lamang at pag-aaksaya umano ng oras kung mag-iimbestiga pa ang PACC, DOJ at NBI.
Kung anuman ang nakalap na impormasyon ng PACC sa inisyal nilang imbestigasyon ang kanila lamang maisusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa paunang imbestigasyon ay pumunta si PACC Commissioner Greco Belgica sa New Bilibid Prison (NBP) at kumuha ng mga detalye ukol sa GCTA mula sa mga opisyal at inmates sa Bilibid.