Umabot ng 3,743 sako ng basura na may timbang na 187,150 kilos ang nahakot sa malawakang paglilinis sa tinatawag na Baseco Beach sa Maynila araw ng Sabado.
Ayon sa Manila Department of Public Services, ang naturang dami ng basura ang nakuha sa Baseco Beach massive clean-up drive hanggang alas 5:00 ng hapon.
Sa video at mga larawan na ibinihagi ng Manila Public Information Office, makikita ang pagsasama ng hanggang 15,000 katao sa paglilinis ng lugar na bahagi ng Tondo.
Ito ay bilang pakikisa sa International Coastal Cleanup Day.
Ang paglilinis sa Baseco Beach ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Department of Public Services chief Kenneth Amurao.
Naglinis din ang mga tauhan ng iba pang departamento ng lokal na pamahalaan ng Maynila, MMDA personnel at ilang miyembro ng iba’t ibang sektor gaya ng mga estudyante.