Nagpahayag ng pagsuporta ang World Health Organization at UNICEF sa Department of Health (DOH) upang masolusyonan ang sakit na polio sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagdeklara ng DOH ng polio outbreak sa bansa, matapos ang halos dalawang dekada na pagiging polio free ng bansa.
Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe na nakababahala ang pagkakaroon ng polio virus sa Maynila, Davao at Lanao Del Sur kung saan isang tatlong taong gulang na bata ang nakumpirmang may na vaccine-derived polio virus type 2.
Mungkahi naman UNICEF sa DOH na kailangan itaas ang immunization coverage ng 95% upang mahinto ang polo virus transmision sa bansa dahil ito ang pinakamainam na proteksyon kontra polio.
Kaya naman nagkaisa ang UNICEF, WHO at DOH sa pagsasagawa ng mass polio immunization sa buong bansa na gagawin na sa susunod na buwan.
Maliban dito, magkakasa rin ng environmental surveillance sa buong bansa para malaman kung may polio virus pa sa ibang bahagi ng bansa.
Matatandaan, taong 2000 pa ang huling polio out break sa Pilipinas.