Kaisa-isang preso sa Butuan City police station, nakatakas

Nakatakas sa selda kaninang umaga ang kaisa-isang presong naka detina sa Butuan City Police Station-5.

Nahaharap ang puganteng si Jay-ar Mendoza, 28 taong gulang, sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, sinira ni Mendoza ang isa sa mga rehas ng pintuan ng kanyang selda at saka mabilis na tumakas habang wala ang bantay niya.

Kasagsagan ng kapiyestahan sa Brgy. Nongning sa Butuan nahuli si Mendoza nang magkasa ang pulisya ng drug buy bust operation.

Read more...