Nilinaw ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi nila mamadaliin ang paghimay sa pambansang pondo at ito ay dadaan sa masusing pag-aaral.
Ipinaliwanag rin ni Sotto na titiyakin ng kanilang grupo na walang makalulusot na insertions sa pambansang budget.
Hindi rin umano papaya sina Sen. Ping Lacson at Sonny Angara na makalusot ang pondo kung may nakatago dito na “pork”.
Noong nakalipas na taon ay hindi kaagad naipasa ang panukalang budget dahil sa ilang mga insertions na isinisisi sa ilang mga kongresista.
Buwan na ng Abril, 2019 nang mapirmahan ng pangulo ang pambansang budget makaraan niyang i-veto ang P95.3 Billion na halaga ng “items” na pilit na ikinarga sa pambansang budget.