15,000 volunteers dumagsa sa paglilinis ng Manila Bay

Inquirer file photo

Umabot sa halos ay 15,000 mga volunteers ang nagsama-sama sa paglilinis ng Manila Bay sa bahagi ng Baseco Compound sa Maynila.

Ito’y bahagi pa rin ito ng International Coastal Cleanup Day.

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pati sila ay nagulat sa buhos ng mga suporta mula sa mga ordinaryong tao at ilang mga non-governmental organizations (NGOs).

Nagpasalamat rin ang MMDA dahil maaga pa lamang kanina ay inipon na ng mga residente sa Baseco ang kanilang mga basura.

Idinukomento rin ang mga basurang nakuha at ang mga impormasyon na nakalap ay ibibigay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa kaukulang pag-aaral.

Bukod sa Baseco Compound at nagkaroon rin ng paglilinis sa Las Pinas City, CCP Complex at tapat ng Ilog Pasig sa Sta. Mesa sa Maynia.

Nauna dito ay nagtalaga ang MMDA ng 25 personnel na araw-araw na mamumulot ng basura sa Manila Bay malapit sa Roxas Boulevard.

Read more...