Patay ang apat katao na pawang karamihan ay pinaniniwalaang nalunod sa mga pagbaha na dulot ng pananalasa ng Tropical Storm Imelda sa Texas.
Itinuturing ngayon ng weather forecasters ang Tropical Storm Imelda bilang isa sa mga pinakamaulang bagyo sa kasaysyaan ng US.
Ayon sa National Weather Service, ang Jefferson County lamang ay nabuhusan ng 40 inches ng tubig-ulan sa loob ng 72 oras kaya’t ang Tropical Storm Imelda ang ‘seventh-wettest tropical cyclone’ na tumama sa continental US.
Sa Harris County, 1,700 high-water rescues at evacuations ang isinagawa para ilikas ang mga taong naipit sa baha.
Binaha rin ang mga bahagi ng southwestern Louisiana at nagbabala na rin ng flash floods sa mga bahagi ng northeast Texas, Arkansas, Oklahoma at Louisiana
Higit 900 flights ang cancelled at delayed sa Houston simula noong Huwebes.
Sinasamantala na ngayon ng emergency crews sa Houston ang pababang mga pagbaha para sa pagsasagawa ng damage assessment.