M5.0 na lindol yumanig sa Catanduanes

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Catanduanes alas-2:04 Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 51 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Panganiban.

May lalim ang pagyanig na 31 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Legazpi City.

Wala namang naitalang pinsala sa ari-arian ngunit ayon sa Phivolcs, asahan pa ang aftershocks.

 

Read more...