Olympian Hidilyn Diaz nakasungkit ng 2 bronze medals sa 2019 IWF World Championships

Hidilyn Diaz Twitter

Bago ang kanyang kampanya sa 2020 Tokyo Olympics, dalawang bronze medals ang nakuha ng Filipina weightlifter na si Hidilyn Diaz sa international tournament sa Thailand araw ng Biyernes.

Nasungkit ng 2016 Olympic silver medalist na si Diaz ang dalawang bronze medals sa 2019 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships women’s 55 kilograms.

Ang manlalaro mula sa China na si Liao Quiyun ang nakakuha ng gold medal sa naitala nitong total of 227 kilograms.

Habang isa pang taga China ang nakasungkit naman ng silver medal.

Nakuha ni Diaz ang mga bronze medals matapos itong magbuhat ng 121 kilograms sa “clean and jerk discipline” at magtala ng kabuuang 214 kilograms.

 

Read more...