Job Fair isasagawa ng Inquirer, DOLE at Manila LGU

Magsasagawa ng isang Job Fair ang Inquirer katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa anunsyo ni Mayor Isko Moreno sa kanyang Facebook account, nakatakda ang Inquirer Job Market Career Expo sa Lunes, September 23 hanggang Martes, September 24, 2019 sa Midtown Atrium ng Robinsons Place Manila.

Ang Job Fair ay magsisimula ng alas 10:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 6:00 ng gabi.

Para sa mga gustong mag-apply ng trabaho, kailangang magdala ng sumusunod na requirements: Resume/Biodata, 2×2 pictures, kopya ng Birth Certificate, Barangay Clearance at School Records gaya ng Transcript of Records, Diploma.

Katuwang din sa Job Fair ang iba pang Inquirer platforms kabilang ang Radyo Inquirer/Inquirer 990 Television, INQUIRER.net at Libre.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan, makipag-ugnayan sa kanilang Public Employment Service Office para sa karagdagang impormasyon.

 

Read more...