Dating DJ at 3 iba pa arestado sa buy bust sa Quezon City

Arestado ang isang dating disc jockey (DJ) sa radyo at tatlong kasama nito sa buy bust operation sa Quezon City Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), target ng operasyon si alyas DJ Tolits sa operasyon sa bahay nito sa Barangay Toro, Project 8.

Matapos makabili ang tauhan ng PDEA na nagpanggap na buyer, nilusob na ang bahay ng DJ kung saan naaktuhan ang tatlong iba pa na gumagamit ng droga.

Nakatakas naman ang isa pa sa pamamagitan ng pagdaan sa fire exit.

Nakuha sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P170,000, mga drug paraphernalia na tooter at aluminum foil.

Itananggi ni DJ Tolits na nagbebenta siya ng shabu pero umamin ito na dati siyang gumagamit ng droga.

 

Read more...