Orange rainfall warning nakataas sa Bataan, ilang bayan sa Zambales

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan dahil sa nagpapatuloy na nararanasang mga pag-ulan.

Sa abiso ng PAGASA alas-11:00 Biyernes ng gabi, orange warning ang umiiral sa Bataan at sa mga bayan ng San Narciso, San Antonio,  San Marcelino, Castillejos, Subic at Olongapo sa Zambales.

Lubhang mapanganib ang pagbaha ayon sa PAGASA.

Yellow warning naman ang nakataas sa Metro Manila at Cavite.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng mga pagbaha sa mga flood-prone areas.

Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan naman ang nararanasan sa Rizal, Laguna, Pampanga, Bulacan, Batangas at iba pang lugar sa Zambales.

Samantala, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan sa Quezon.

Pinapayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na bantayan ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na advisory na ilalabas alas-2:00 ng madaling-araw ng Huwebes.

 

Read more...