
Sa gitna ng banta ng African Swine Fever, nadiskubre ang 340 kilo ng balat ng baboy na dumating sa Laoag, Ilocos Norte matapos ibiyahe mula sa Maynila.
Ang kilo-kilong pork skin ay tinatayang nagkakahalaga ng P34,000.
Ikinatuwa ni Laoag City Mayor Michael Keon ang pagkasabat sa pork skin dahil nailigtas ang mga mamamayan sa pagkain ng mga ito.
Nabatid na dadalhin ang nakumpiskang pork skin sa pagawaan ng chicharon sa Paoay.
Nakitaan ng ilang paglabag ang produkto na nakabalot sa plastic at nakalagay sa karton.
Ayon sa Provincial Veterinarian ng lalawigan, nagtubig na ang pork skin dahil dapat ay ibiniyahe ito sa isang refrigerated na sasakyan.
Nalabag din ang Meat Code at walang mga dokumento ang kargamento.


MOST READ
LATEST STORIES