Isa patay, isa sugatan sa insidente ng pamamaril sa Maynila

Patay sa pamamaril ang isang lalaki at sugatan naman ang isang kasamang babae nito na nagngyari sa kahabaan ng Rizal Avenue kanto ng Quiricada St., Brgy. 334, Sta. Cruz, Manila, alas-5:30, Biyernes ng umaga, Sept. 20.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Hospital ang isang biktima na kinilalang si Johnny DC Ethore Jr, isang driver at residente ng Tanza, Cavite, na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at idineklara itong dead-on-arrival.

Nasa ospital ang isa pang biktima na nakilalang si Belsie Retor, 49-anyos at residente ng Sta Cruz Manila.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Jonathan Bautista ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), mayroong tatlong suspek sa pamamaril pero hindi ito nakilala dahil agad silang nakatas pagkatapos ng insidente.

Base sa paunang ulat ng MPD, sakay sa isang minivan ang mga biktima at naghihitay na magkulay berde ang tarffic light sa nabangit na lugar nang biglang may lumapit na tatlong lalaki na sakay naman ng isang motorsiklo at biglang pinagbabaril nito ang mga biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginigawang imbestigasyon ng MPD para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang dahilan sa pamamaril.

Read more...