Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang road closure ay sa pagitan ng Aurora Boulevard sa Quezon City at N. Domingo sa San Juan City.
Magsisimula ang closure alas 6:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi bukas at sa Linggo.
Ito ay para bigyang-daan ang paglalagay ng girder para sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Skyway Stage 3 Project.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na gamitin ang sumusunod na alternatibong ruta:
Galing N. Domingo patungong G. Araneta Ave. at R. Magsaysay Blvd.
– Dumaan sa F. Roman o H. Lozada St., o J. Ruiz St., kaliwa sa Aurora Blvd. patungong destinasyon.
Galing R. Magsaysay Blvd. at G. Araneta Ave. patungong N. Domingo
– Dumaan sa Aurora Blvd., kanan sa A. Luna St. o kanan sa A. Lake St., kanan o kaliwa sa N. Domingo patungong destinasyon.