Briton, arestado sa Thailand dahil sa child pornography

 

Arestado ang isang British national sa northern Thailand dahil sa child pornography.

Ayon kay Department of Special Investigation Lt. Col. Paisith Sungkahapong, tinimbrehan sila ng U.S. Department of Homeland Security noong Nobyembre na may mga child pornography materials na ina-upload at ipinapadala sa isang partikular na internet address.

Nang ma-trace ng mga otoridad, naaresto nila ang 64-anyos na si Fabian Frederick Blandford, sa kaniyang tahanan sa Chiang Mai kasama ang asawa at mga anak niya.

May parusang limang taon na pagkakakulong ang possession ng child pornography, habang pitong taon naman kung ito ay idi-distribute tulad na lamang ng pag-upload sa mga websites.

 

Read more...