Kagawad ng barangay patay sa buy-bust operation sa Lanao del Sur

Patay ang kagawad ng barangay sa buy bust operation na nauwi sa engkwentro sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Larry Masid, konsehal ng Barangay Muslim Village.

Ayon kay Director Juvenal Azurin ng PDEA Bangsamoro Region, agad na naglabas ng baril at nagpaputok si Masid nang matunugan na undercover agent ang kanyang katransaksyon bandang 4:30 ng umaga sa harap mismo ng bahay nito.

Sinabi ni Azurin na matagal na nilang sinusubaybayan ang drug activities ni Masid bago magsagawa ng operasyon laban dito.

Nakuha sa suspek ang nasa 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000, isang kalibre 45 at isang .30-caliber M1 Cardine rifle.

Nabatid na naaresto na si Masid dalawang taon na ang nakalilipas pero napakawalan din ito dahil sa teknikalidad.

Read more...