Ilang lansangan sasailalim sa road repair ngayong weekend

Muling itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ginagawang road rehabilitation sa EDSA at sa C5.

Ayon sa DPWH, magsisimula ito alas-11:00, mamayang gabi at matatapos bandang alas-5:00, Lunes ng umaga, Sept. 23.

Ang gagawing repair sa EDSA ay sa southbound mula sa Bansalangin papuntang North Avenue (U-turn slot), 5th lane mula sa sidewalk at sa northbound paglagpas ng P. Tuazon underpass – 1st lane mula sa center island.

Gagawin naman ang road reblocking sa southbound ng C5 malapit sa Market-Market at sa northbound mula sa Katipunan Avenue/C5 paglagpas ng Garcia Street – truck lane.

Sa Quezon City, ang road reblocking ay gagawin sa northbound ng G. Araneta Avenue mula sa T. Arguelles hanggang bayani.

Kasama rin dito ang eastbound directions ng Quirino Highway, mula sa Salvia Street bago mag-Belfast Road, outer lane; at Elliptical Road, lagpas ng Naharlika Street, 8th lane mula sa outer sidewalk.

Maliban dito, may gagawing ding reblocking sa westbound direction ng Quezon City mula sa General Luis Street, mula sa Samote Street hanggang southbound Diversion Road at sa northbound direction ng A. Bonifacio Avenue mula sa J. Pineda papuntang Marvex Drive, 1st lane mula sa center island.

Mayroon pang ibang lugar sa isasailalim sa reblocking activity tulad ng southbound direction ng Taguig City, partikular sa harap ng Palar Village.

Read more...