Ayon kay Tolentino, kailangan ng Kamara ng karagdagang P1.6B para sa taong 2020.
Paliwanag nito, nadagdagan ang mga deputy speakers, vice chairmen ng mga komite at maging ang mga komite ng Kamara.
Sinabi pa nito na Ginawa ang budget proposal noong hindi pa nagbobotohan ng speaker kaya hindi pa naikonsidera ang magiging organisasyon ng House leadership.
Bukod dito, lumaki rin ang bilang ng mga miyembro ng Kamara bukod pa sa 4,000 empleyado nito.
Samantala, Hindi tumagal ng 5 minuto ang budget deliberation ng panukalang pondo ng Congress of the Philippines kabilang ang Senado, Kamara, Senate Electoral Tribunal, House of Representatives Electoral Tribunal at Commission on Appointments.