Isa sa marching orders ni Pangulong Duterte sa bagong AFP chief: Tuldukan ang armed conflict

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong hirang na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ituloy ang paglaban sa mga rebelde.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, isa sa mga marching orders ng pangulo kay incoming AFP chief Noel Clement ay ang wakasan ang local communist armed conflict.

Hindi naman na aniya bago ito kay Clement lalo at namuno na siya sa AFP Central Command, 10th Infantry Division ng Philippine Army, at naging Deputy Chief of Staff for Operations ng AFP.

Kumpiyansa ang palasyo na maitutuloy ni Clement ang mataas na antas ng professionalism sa sandatahang lakas.

Sa susunod na linggo magreretiro na si Gen. Benjamin Madrigal Jr. na sasapit sa kaniyang mandatory retirement age na 56.

Read more...