AirAsia may P60 seat sale matapos maabot ang ika-600 milyong bilang ng pasahero

Ipinagdiriwang ng AirAsia ang 600 million guests flown nito sa pamamagitan ng seat sale at 6 million na promotional seats.

Ayon sa airline company, ang “BIG Member” fares ay aabot sa hanggang P60 lang kada flights mula Manila, Clark at Cebu to Iloilo, Caticlan, at Puerto Princesa.

Maaring magpa-book mula sa September 23, 2019 alas 12:01 ng madaling araw hanggang sa September 26 alas 12:00 ng hatinggabi.

Ang travel period naman ay mula February 10 hanggang December 15, 2020.

Ang mga “AirAsia BIG Members”, “BigPay” users at AirAsia Credit Card ay maari namang makapagpa-book ng mas maaga simula sa September 22, 2019.

Kailangan lamang mag-log ion bilang BIG Member sa airasia.com.

Read more...