Katwiran ni Sotto ang mga pagbubunyag na ginawa ni Magalong sa executive session ay hindi naman direktang sangkot sa mga modus sa Bureau of Corrections (BuCor) at Bilibid na kanilang iniimbestigahan ngayon sa Senado.
Ayon pa sa senador maaring magpatawag siya ng mini-caucus sa ilang piling senador para pag-usapan ang mga isiniwalat ni Magalong.
Ito aniya ay para malaman at mapagkasunduan kung ano ang susunod nilang hakbang.
Bagamat tumanggi si Sotto na ibigay ang pangalan ng mga opisyal sinabi niya na matataas ang ranggo ng mga ito ay ilan ay nasa serbisyo pa.
Inamin din nito na may mga kilala pa siya at kinumpirma din niya ang sinabi ni Sen. Richard Gordon na nagkatinginan silang tatlo nina Senate Minority Leader Frank Drilon nang marinig ang mga pangalan.
Ang ‘Agaw Bato modus’ ay inimbestigahan ni Magalong noon siya pa ang director ng PNP-CIDG at natunton nila na may mga kamay dito ang mga convicted Chinese drug lords na nasa loob ng Bilibid.