Mga miyembro ng environmental group na Greenpeace nagbarikada sa Shell refinery sa Batangas

Binarikadahan ng mga miyembro ng environmental group na Greenpeace angoil refinery ng Shell sa Batangas.

Sa isinagawang protesta araw ng Biyernes (Sept. 20), hinarangan ng mga kinatawan mula sa climate-impacted communities at environmental organization na Greenpeace ang bukana ng Shell.

May mga miyembro din ng grupo na umakyat sa isa sa mga pasilidad at saka iniladlad ang banner na may nakasulat na “Shell, stop burning our future”.

Ayon sa Greenpeace ang payapang protesta na kanilang ginawa ay bahagi ng paghamon nila sa mga fuel company na ipakita ang pagkakaroon nila ng accountability sa ambag nila sa climate crisis.

Ayon naman sa kumpanyang Shell, inirerespeto nila ang pagkilos.

Hiniling lang nila sa grupo na gawin ito sa ligtas at maayos na pamamaraan.

Read more...