Ayon kay Lt. Gen Ronnie Evangelista, superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) nakakulong na ang tatlo at sumasailalim na sa imbestigasyon.
Aminado naman si Evangelista na nagkaroon ng administrative lapses kaya nangyari ang insidente at kasama ito sa iimbestigahan.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Police Capt. Reynaldo Dave, medico-legal, lumitaw na pinagtulungang bugbugin ang biktima.
Umabot sa 20 kadete ang isinasailalim ngayon sa panayam at posible silang maging testigo.
Aalamin din kung mayroong iba pang miyembro ng class ni Dormitorio ang nakaranas ng pananakit.
MOST READ
LATEST STORIES