Ayon kay Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, director ng Police Regional Office sa Cordillera, lumitaw sa medico-legal report ng Crime Laboratory na sinaktan si Dormitorio.
May pwersa umano na maaring mula sa pagsuntok at pagsipa partikular sa kanan at kaliwang bahagi ng katawan at sa tiyan ng kadete.
Ayon kay Dickson, sa ngayon ay mayroon na silang tatlong persons of interest sa pangyayari, ang dalawa ay third class cadets o nasa 2nd year at ang isa ay first class cadet o graduating student na.
Maari silang maharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law at maaring ma-kick out sa PMA.
Si Dormitorio ay nasawi noong September 18.