P1,000 World Teacher’s Day incentive ibibigay sa mga guro

Bilang pagtanaw at pagkilala sa pagsusumikap ng mga pampublikong guro, makakatanggap sila ng World Teacher’s Day Incentive Benefit.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd ang P1,000 insentibo ay ibibigay sa mga guro simula sa Oktobre 5.

Maibibigay ang insentibo sa pamamagitan ng DepEd Special Provision No. 12 sa ilalim ng RA 11260.

Hindi naman mabibigyan ng insentibo ang mga guro na AWOL, retirado na at ang mga naparusahan sa anumang pagkakasala na may kaugnayan sa pagtupad sa tungkulin.

Diin ng kagawaran ang karagdagang insentibo ay patunay lang na pinahahalagahan ang dedikasyon at sakripisyo ng mga guro sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Read more...