Petisyon ni Poe sa Korte Suprema, kinontra ni Rizalito David

 

Kontra si Rizalito David sa nais ni Senadora Grace Poe na pagsamahin na lang ang inihain niyang petisyon laban sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) at ang pagbasura sa certificate of candidacy ng independent presidential candidate.

Naghain sa Korte Suprema ng urgent manifestation si David kasama ang kanyang abogadong si Manuelito Luna.

Sa limang pahinang manifestation, iginiit ni David na magkaiba ang isyu na nakapaloob sa kanyang apila sa SET kumpara sa COMELEC en banc decision sabay dagdag na magkaibang electoral tribunal ang nagpalabas ng magkahiwalay na desisyon.

Sinabi pa nito na sakaling baligtarin ng Korte Suprema ang desisyon ng SET, matatanggal bilang senador si Poe.

Samantalang, kapag pinagtibay naman ng Supreme Court ang desisyon ng COMELEC hindi na maisasali ang pangalan ng senadora sa listahan ng mga qualified presidentiables na tatakbo sa halalan sa darating na Mayo.

Read more...