Modus na ‘bawas tinapay’ ng isang delivery boy viral sa social media

Nag-viral sa social media ang isang delivery boy na nakuhanang binabawasan ang tinapay na kaniyang dini-deliver.

Sa nasabing video, makikita na bawat balot ng tinapay ay binabawasan ng delivery boy.

Hindi lang sa isang balot ng tinapay niya ito ginawa kundi sa maraming pack ng tinapay na ang tatak ay Gardenia.

Agad namang naglabas ng pahayag ang Gardenia sa kanilang Facebook page.

Ayon sa kumpanya, ikinalulungkot nila ang pangyayari. Tiniyak din ng Gardenia na iimbestigahan nila ang insidente at gagawa ng karampatang aksyon para hindi na ito maulit.

Ang kalidad at kaligtasan umano ng kanilang produkto ang kanilang pangunahing prayoridad.

Read more...