Ayon sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyon West Northwest.
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga sinabi ng PAGASA na ang Habagat ay magkakatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bataan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan din ang maaring maranasan sa Metro Manila, Oriental Mindoro, Marinduque, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian Islands at ang nalalabi pang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.
Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.