Paghahanda para sa gagawing pagpapalit ng riles sa MRT-3 inumpisahan na

Sinimulan na ng Sumitomo-MHI-TESP ang paghahanda para sa rail replacement activities sa MRT-3 na gagawin sa Nobyembre 2019 hanggang Pebrero 2021.

Inumpisahan na ang pagkakabit ng wall cladding sa rail welding area sakop ang Taft Avenue Station (Southbound), at tinanggal na rin ang steel fence at pinalitan ng movable barriers.

Noong Agosto 2019 ay kumpletong nailipat na ang 4,053 piraso ng riles mula Port of Manila patungong Tracks Laydown Yard sa ParaƱaque.

Ang mga piraso ng riles ay pagdudugtungin upang makabuo ng tig-180 meters na haba bago ilatag sa linya ng MRT-3.

Oras na mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang tagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng problema o aberya sa operasyon.

Ang pagpapalit ng riles ay isa lamang sa mga aktibidad na nakapaloob sa malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

Read more...