Ito ay kasunod ng muling pagkakaroon ng kaso ng polio sa bansa makalipas ang 19 na taon na pagiging polio free.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Health Undersecretary Eric Domingo, hinimok nito ang publiko na makiisa sa mass vaccination kontra polio.
Aniya ang naturang bakuna ay napatunayan nang epektibo at ligtas.
Bagaman isa pa lamang ang nakumpirmang kaso ng polio sinabi ng DOH na nakababahala ang pagbabalik ng kaso ng sakit.
Ayon kay Domingo, edad 5 at pababa ang karaniwang tinatamaan ng sakit.
Maliban sa tatlong taong gulang na bata sa Lanao del Sur na kumpirmadong may polio ay mayroon pang isang hinihinalang kaso ng sakit na kinukumpirma pa ngayon ng DOH.