Ang Tropical Storm Imelda ay nagdulot ng torrential rains sa Houston-area dahilan para bahain ang lugar.
Daan-daang katao ang kinailangang sagipin matapos abutin ng ng pagbaha sa lansangan.
May mga biyahe na rin ng eroplano na naapektuhan sa George Bush Intercontinental Airport at libu-libo ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Payo ng mga otoridad sa mga residente manatili na lamang sa kanilang tahanan at huwag na munang lumabas.
Ang mga nasa paaralan naman na ay pinayuhang manatili na lang sa loob ng eskwelahan kung saan sila mas ligtas, gayundin ang mga nasa kanilang opisina.
Ayon sa Jefferson County Sheriff’s Department, isang lalaki ang nasawi sa southeast ng Houston makaraang makuryente habang inililikas sa ligtas na lugar ang kaniyang kabayo.
Daan-daang motorista din ang na-stranded sa loob ng kanilang sasakyan dahil biglaan ang pagbaha sa kalsada.