Rainfall advisory nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa Luzon dahil sa Habagat

Makararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila at ang maraming mga lalawigan.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ng Biyernes, Sept. 20 mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna Tarlac at Pampanga.

Ganitong lagay din ng panahon ang umiiral na sa Bataan.

Pinayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Read more...