Pelikulang ‘Verdict’ napili bilang entry ng Pilipinas sa Oscars

Napili ng Film Academy of the Philippines ang pelikulang “Verdict” bilang entry ng Pilipinas para sa International Feature Film category sa 92nd Academy Awards.

Inanunsyo ng FAP na napili ang pelikula sa kanilang selection process.

Ang jury ay pinamumunuan ni direk Jose Carreon kasama sina Film Development Council of the Philippines head Liza Diño, actor-producer na si Joel Torre at iba pang miyembro ng FAP.

Ang “Verdict” ay pinangungunahan nina Max Eigenmann at ng namayapang aktor na si Kristoffer King sa ilalim ng CenterStage Productions at sa direksyon ng baguhang si Raymund Ribay Gutierrez.

Ang pelikula ang special jury prize winner sa Horizons section ng Venice Film Festival at ipinalalabas ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Tinalakay sa pelikula ang domestic abuse na ayon kay direk Brillante Mendoza, ang producer ng CenterStage ay hango sa tunay na pangyayari.

Read more...