Ayon kaky DOJ Spokesperson, Usec. Markk Perete, may mga pagkakamali kasi sa listahan na isinumite ng Bureau of Corrections (BuCOr) ng mga presong nakalaya nang dahil sa GCTA.
Sinabi ni Perete na gagawin ang re-arrest sa sandaling malinis na ang listahan.
Ani Perete, sa kanilang pagsusuri ay umabot sa 40 bilanggo ang nakasama sa listahan pero hindi dapat naroroon.
Ang 40 kasing ito ay hindi naman nag-avail ng GCTA at sa halip ay napagkalooban sila ng pardon.
Sa hiwalay na pahayag sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hiniling na niya sa Department of Interior and Local Government (DILG) na atasan ang Philippine National Police na itigil muna ang manhunt at muling pag-aresto sa mga hindi pa sumusukong convicts na nakalaya nang dahil sa GCTA.