Water level sa Angat dam nasa 190.20 meters na

Sumampa na sa 190-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Sept. 20 ay nasa 190.20 meters na ang water level ng Angat.

Nadagdagan pa ito kumpara sa 189.64 meters na antas ng tubig kahapon.

Samantala, nadagdagan din ang La Mesa dam na ngayon ay nasa 78.80 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat.

Nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ipo, San Roque at Caliraya.

Read more...