Ang 23-anyos na blind singer na mayroong autism ang ang itinanghal na champion sa 2019 America’s Got Talent.
Sa audition pa lamang napahanga na ni Kodi ang lahat ng hurado dahilan para bigyan pa siya ng golden buzzer ni Gabrielle Union dahil sa kaniyang rendisyon ng awiting “A Song For You”.
Sa quarterfinals round, inawit naman ni Kodi ang “Bridge Over Troubled Water” at muli siyang tumanggap ng standing ovation sa semifinals performance niya ng “You Are the Reason”.
Sa season 14 finale, kinanta niya ang “Lost Without You”.
https://youtu.be/6bwK05Oja2c
Maliban sa galing sa pag-awit, sa lahat ng kaniyang performance ay tumutugtog ng piano si Kodi.
Sa grand finals nagperform din si Kodi Lee kasama ang singer na si Leona Lewis at inawit nila ang “You Are The Reason”.
https://youtu.be/fm2Rj8Lo21s
Naiuwi ni Kodi ng $1 million na halaga ng premyo.