10 sasakyan, nagkarambola sa intersection ng C5 – Ortigas

Sampung sasakyan ang nagkarambola sa intersection ng C5 – Ortigas service road.

Nangyari ang aksidente bago mag alas 5:00 ng umaga ng Biyernes (Sept. 20) sa eastbound lane.

Ayon sa MMDA Metrobase, sangkot sa aksidente ang 2 AUV, 1 SUV, 3 motorsiklo, 1 truck, 1 tanker, 1 van at 1 kotse.

Tatlong linya ang nasakop ng nasabing aksidente kaya nagdulot ito ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa lugar.

Partikular na apektado ang mga galing sa Ortigas Center area at papalabas ng C-5 o ‘di kaya ay patungo ng Pasig City.

Dalawa naman ang nagtamo ng minor injuries bunsod ng aksidente.

Bago mag alas 6:00 ng umaga ay sinabi ng MMDA na umabot na sa Meralco Avenue ang tail end ng traffic.

Read more...