Mahina hanggang katamtamang pag-ulan mararanasan pa rin sa Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon

Makararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila at ang maraming mga lalawigan.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang naranasan sa Bataan sa nakalipas na mga oras.

Aasahan din ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Rizal, habang ganito rin ang lagay ng panahon na nararanasan na sa Metro Manila, Bataan, Tarlac, Zambales, Pampanga, Cavite, Laguna at Batangas.

Pinayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Read more...